Tulang Pambata

Tipunin natin ang mga katutubong tulang pambata mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas upang matiyak nating ang di matatawarang yamang ito ay maipamana pa natin sa susunod na salinlahing Pilipino. Sumali at maging kasapi! (Let's collect Filipino children's rhymes & poems from the different regions of the Philippines to ensure that we can bequeathe this priceless wealth to the next generations of Filipinos. Join us, be a member!)

Tuesday, May 31, 2005

Espadang Bali-bali

Espadang bali-bali
Nahulog sa pusali
Kunin mo sandali
Uupahan ng kahati

Lagari

Lagari!
Lagari!
Simbahan sa Paete
'Pag hindi nayari
Magagalit ang pari
Sa batang bungi!

Penpen de sarapen

Penpen de sarapen
De kutsilyo
De almasen
Bawbaw de kalabaw
Batuten
Sipit namimilipit
Gintong pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat
Sayang pula, tatlong pera
Sayang puti, tatlong salapi

Friday, May 27, 2005

Pongpong

Pong...
pong...
pong....
Galapong!

(This is recited to infants 5 months and older, while holding their hands and feet together. A good gentle stretch for the babies!)

Haba, haba

Haba, haba,
Parang bangka!

Bilog, bilog,
Parang niyog!

(Recited to an infant 4 months old and up, while gently touching the body from shoulder down to the legs. A good gentle massage!)

Tulang Palaka

Ako'y tutula,
Tulang palaka,
Ako'y uupo,
Tapos na po.


I'm going to recite a poem,
A poem of the frog,
I'm going to sit,
That's the end of it!

Ulan! Ulan!

Ulan! Ulan!
Pantay kawayan!

Bagyo! Bagyo!
Pantay kabayo!


(Paraphrased in English)
Rain! Rain!
Sounds like bamboo cane!

Storm! Storm!
Sounds like a horse's hooves!